Skip to main content
Our website is changing! Starting March 31, 2023 our website will look different, but we're working hard to make sure you can still find what you need.  
King County logo

Malugod kang tinatanggap sa King County Metro! Ipinapakita ng gabay na ito saiyo kung paano sasakay dito, sa bawat hakbang. Salamat sa pagsakay sa amin!

Hakbang 1: Planuhin ang biyahe mo

Hanapin ang pinakamagandang ruta ng bus para sa biyahe mo, at kung saan ka sasakay at bababa ng bus.

Bumisitasa tripplanner.kingcounty.gov, at ilagay kung saan ka magsisimula at kung saan mo gustong pumunta. Pumili ng oras at petsa, at lilitaw na ang mga mapagpipilian mong sasakyan.

O tumawag sa customer service ng Metro sa 206-553-3000, Lunes hanggang Biyernes, 6 a.m.–6 p.m.

Kung kailangan mo ng interpreter, tutulungan ka namin! Pindutin ang 1 para maikonekta sa isa na nagsasalita ng wika mo. Ang mga may kapansanan sa pandinig ay puwedeng tumawag sa WA Relay sa 711.

Hakbang 2: Hanapin ang sakayan mo ng bus

May numero o letra ng ruta ang lahat ng bus. Ang mga sakayan ng bus ay mayroong posteng may marka at karatula. Nasa karatula ang lahat ng ruta ng bus na humihinto doon. Tiyaking nasa listahan ang ruta na gusto mong sakyan.

May mga sakayan ng bus na may lilim at upuan na puwedeng gamitin habang naghihintay ka.

Kapag huminto ang bus sa sakayan, tingnan ang iyong ruta sa harap o gilid ng bus.

Kung mayroon kang anumang tanong, makakatulong ang drayber.

Kung kailangan, ipasulat sa papel sa isang kaibigan o kapamilya ang numero ng ruta mo at ang direksyon. Puwede mo itong ipakita sa drayber pagpasok o paglabas mo sa bus.

Hakbang 3: Pumasok sa bus at magbayad

Pumili ng isa sa mga paraang ito ng pagbabayad sa biyahe mo.

A

I-tap ang ORCA kard – ang pinakamadali at pinakamura.

B

Ipasok ang tiket ng bus sa kahon ng pamasahe.

C

Bumili ng Transit GO Tiket ng sa phone app mo at ipakita sa drayber.

D

Maglagay ng eksaktong pera o barya. Hindi ka masusuklian ng mga drayber. Kapag nagbabayad ng pera o tiket ng bus, humingi sa drayber ng papel para sa paglipat na magagamit mo kapag sumakay ka sa isa pang bus sa loob ng dalawang oras.

Anong pamasahe ang angkop para sa iyo?

Para makita ang pinakamagandang opsyon ng pamasahe para sa iyo, bisitahin ang kingcounty.gov/WhichOrcaFare.

Bisikleta at sasakyan

Ang bawatMetro bus ay kayang magsakay ng tatlong bisikeleta sa may harapan nito. Sabihin sa drayber kung gusto mong isakay at ibaba ang bisikleta sa babaan.

Pagiging Accessible

May rampa ang lahat ng bus. Kung mayroon kang wheelchair o stroller, o kung kailangan mo ng tulong sa pagsakay sa bus, hilingin sa drayber ang rampa.

Ang mga upuan sa likod ng drayber ay nakareserba para sa mga may kapansanan, may edad, o mga magulang na may maliliit na anak. Gamitin ang mga tali para hindi gumalaw ang mga stroller at wheelchair.

Hakbang 4: Pumara at bumaba

A

Bantayan at pakinggan ang pag-anunsyo sa babaan mo. Kapag kasunod na ang babaan mo, hilahin ang dilaw na tali o pindutin ang pulang “STOP (Huminto)” buton.

B

Ang “STOP REQUESTED (Hiniling ang Paghinto)” ay iilaw at tutunog ang bell. Bumaba sa pintuan sa gilid o likod maliban na lang kung kailangan mo ang rampa sa unahang pinto.

Alamin pa ang ibangopsyon sa pagbibiyahe

Isa kaming sistema ng bus at higit pa roon.

Madaling makuhang mga serbisyo

Ang Metro ay nangangakong magbibigay ng patas na access sa mga serbisyo namin. Sumasakay ka man ng bus o sinusubukan ang isa sa mga programa ng pagpapasada namin, nandito kami para ikonekta ka sa iyong komunidad.

Alamin pa ang mga opsyon ng pagiging accessible
Ride Pingo

Magreserba ng sasakyan papunta at pabalik ng Kent Station at Kent Valley papunta sa anumang destinasyon sa lugar na pinagseserbisyuhan.

Magsimula sa Ride Pingo
Via to Transit

Magreserba ng sasakyan gamit ang Via to Transit app papunta at pabalik ng sakayan at komunidad sa Othello, Rainier Beach/Skyway, Renton at Tukwila.

Masimula sa Via
Alamin pa ang ibang opsyon sa pagbibiyahe

Nagbibigay ang Metro ng iba't ibang opsyon ng sasakyan para sa King County. Pumili mula sa aming malaking network ng bus, mga serbisyo ng paratransit, Water Taxi, vanpool, Link light rail at marami pang iba.

Tingnan ang lahat ng opsyon sa pagbibiyahe

Kumonekta sa amin

Subscription sa alerto ng sasakyan

Bagong mga subscriber

Para mag-sign up, ilagay ang iyong impormasyon para sa pakikipag-ugnayan. Kung gusto mong mag-subscribe sa email at text, kailangan mong mag-sign up nang dalawang beses.

Kasalukuyang mga subscriber

Para maayos ayon sa kagustuhan mo, ilagay ang iyong email at numero ng telepono.