Lynnwood Link Connections
Kasabay ng pagpapalawak sa Link light rail hanggang sa Lynnwood, ang proyekto sa mobilidad ng Lynnwood Link Connections ay binuo upang matugunan ang mga nagbabago–bagong pangangailangan sa transit at mapabuti ang mga opsiyon sa mobilidad para sa mga komunidad sa hilagang–kanlurang King County at timog–kanlurang Snohomish County. Nakikipagtulungan ang Metro sa Sound Transit (Sa wikang Ingles) at Community Transit (Sa wikang Ingles), bukod sa iba pang mga kaakibat, upang isaayos ang mga ruta ng bus batay sa feedback mula sa mga komunidad.
Pangkalahatang–ideya ng Proyekto
ISa 2024 at 2026, palalawakin ng Sound Transit ang Link light rail upang maisama ang limang bagong istasyon sa Seattle, Shoreline, Mountlake Terrace, at Lynnwood. Bukod pa sa mga bagong istasyon ng light rail, maaaring baguhin ng Sound Transit ang ST 522 Express route upang maitugma sa nakaplanong serbisyo ng Bus Rapid Transit sa pagitan ng Bothell at Shoreline nang pinakamaaga sa 2025.
Upang mapaghandaan ang pagpapalawak ng serbisyo ng Link light rail hanggang sa Lynnwood Transit Center at ang posibleng pagbabago sa serbisyo ng ST 522 Express, matugunan ang mga nagbabago– bagong pangangailangan sa mobilidad, at mapabuti ang access sa mobilidad para sa mga populasyon na batay sa kasaysayan ay hindi sapat na napaglilingkuran, may sinisimulang proyekto sa mobilidad ang Metro sa hilagang–kanlurang King County, na pangkalahatang maglilingkod sa mga komunidad sa loob ng North Seattle, Shoreline, Lake Forest Park, Kenmore, Bothell, at Mountlake Terrace. Maghahatid ang proyektong ito ng updated na network para sa mobilidad na ikokonekta sa Sound Transit Link light rail at isasama sa mga serbisyo ng Sound Transit at Community Transit. Isasagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan sa Sound Transit, Seattle Department of Transportation (SDOT, Kagawaran ng Transportasyon ng Seattle), City of Shoreline, Community Transit, at iba pang kaakibat.
Mga ruta ng proyekto
Pag-aaralan ang mga sumusunod na ruta at aalamin ang mga kailangang pagbabago bilang bahagi ng Proyektong Lynnwood Link Connections.
- Mga ruta ng Metro: 5, 16X, 20, 28, 45, 64, 65, 67, 73, 75, 301, 302, 303, 304, 320, 322, 330, 331, 345, 346, 347, 348, 372
- Ruta ng Sound Transit Express: 522
Mga layunin
Sa tulong ng proyektong Lynnwood Link Connections, layunin ng Metro na:
- Pagbutihin ang mobilidad para sa mga priyoridad na populasyon (tulad ng tinutukoy sa Mobility Framework – Sa wikang Ingles)), na mahalagang bahaging bumubuo sa ating mga kasalukuyan at potensyal na kostumer.
- Pantay–pantay na mabigyan ng kaalaman, pagkakataong sumali, at kakayahan ang mga kasalukuyan at potensyal na kostumer na naglalakbay sa lugar ng proyekto.
- Makapaghatid ng pinag–isang serbisyong akma sa pagpapalawak ng Link, sa mga pagbabago sa network ng transit at sa mga pangangailangan ng komunidad.
- Gawing mas mahusay, mabisa, at may malasakit sa kapaligiran ang sistema ng transit.
Equity Impact Review
Ang proyekto ng Lynnwood Link Connections ay gagawa ng pag-aaral na Equity Impact Review (EIR, Pagsusuri sa Epekto ng Pagkakapantay-pantay) upang tiyaking mapapabuti ng mga panukalang pagbabago sa ruta ang mobilidad at paggamit ng transportasyon para sa mga priyoridad na populasyon sa King County. Sa bawat phase ng proseso ng pagpaplano, susuriin ng Metro ang mga teknikal na datos at resulta mula sa pakikipag-ugnayan sa mga priyoridad na populasyon upang maunawaan ang inaasahang epekto sa mga komunidad na hindi sapat na napaglilingkuran at mahusay na makapagpasya para sa pagpaplano. Ibabahagi ang mga buod ng pakikipag-ugnayan sa publiko at EIR pagkatapos ng pakikipag-ugnayan sa Phase 3 sa ilalim ng seksiyong Proseso at Timeline na nasa ibaba.
Mobility Priorities
Sa Phase 1, nakatanggap kami ng direktang feedback mula sa mga survey, pakikipag–usap sa Community–Based Organizations (CBOs, Mga Organisasyon sa Komunidad), at input mula sa aming mga Partner Review at Mobility Board. Tiningnan namin ang mga feedback, hinanap ang magkakaparehong tema, at ibinuod ang sumusunod na priyoridad na ginamit upang magawa ang mga posibleng bagong ruta ng bus.
Gumawa ng mga bago at pinabuting koneksiyon ng transit pasilangan at pakanluran. |
Maglaan ng transit papunta/paalis sa mahahalagang destinasyong tinukoy ng komunidad kung saan nakatira ang mga priyoridad na populasyon, at mga lokasyong planong pagtayuan ng maraming pabahay sa 2026. |
Pagbutihin ang panggabing serbisyo ng transit na nagsisilbi sa mga pangunahin at mahalagang destinasyon. |
Panatilihing madalas at gawing mas madalas pa ang biyahe sa mga rutang nagkokonekta papunta/paalis sa mga pangunahing destinasyon at/o transit na madalas gamitin at maraming sumasakay (RapidRide, Link, Route 522 BRT, atbp.) |
Pagbutihin ang serbisyo ng transit tuwing weekend na nagsisilbi sa mga pangunahin at mahalagang destinasyon. |
Tiyaking maginhawa, accessible, maaasahan, at walang patid hangga’t maaari ang pagpapalipat–lipat sa transit para sa lahat ng sumasakay, lalo na ang mga priyoridad na populasyon. |
Pinal na panukalang network
Ang Ordinansa ng Lynnwood Link Connections ay nagkakaisang ipinasa noong Marso 26 ng Konseho ng King County.
Inihahanda ng Metro ang gagawing pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa mga sumasakay bago ang nakaplanong pagsisimula ng bagong serbisyo sa Setyembre 14, 2024.
Sa pamamagitan ng proseso ng pakikipag-ugnayan na may tatlong phase, bumuo ang Metro ng pinal na panukalang network ng bus na sisimulang buksan kasabay ng pagpapalawak sa Link light rail hanggang sa Lynnwood sa Taglagas 2024.
Sa pinal na panukalang network ng bus, may mga pagbabagong ginawa upang mapaganda ang serbisyo bilang pagtugon sa mga priyoridad sa mobility sa komunidad na tinukoy sa North King County. Sa bawat phase ng pakikipag-ugnayan, gumawa ang Metro ng mga pagbabago upang tugunan ang feedback ng komunidad at mga kaakibat, lalo na ang nanggaling sa mga priyoridad na populasyon. Tinulungan ng Mobility Board (Lupon sa Mobilidad) ng Lynnwood Link ang Metro na mabigyang-priyoridad ang feedback ng komunidad upang mapaganda pa ang panukalang network, ang piniling gustong ruta at ang mga opsiyon sa antas ng serbisyo, at nagkakaisa itong bumoto upang aprobahan ang pinal na panukalang network noong Oktubre 2023.
Kabilang sa mga highlight ng pinal na network ng bus sa lugar ng proyekto ang sumusunod:
- Mas maraming biyahe tuwing Lunes hanggang Biyernes (+9%) at tuwing Sabado at Linggo (+32%), sa kabuoan
- Mas maraming biyahe tuwing gabi (+43%) pagkalipas ng 10pm
- Mas mahabang serbisyo sa mga ruta tuwing Lunes hanggang Biyernes (+68 minuto) at tuwing Sabado at Linggo (+78 minuto)
- Pangkalahatang pagdami ng serbisyo sa tatlong rutang madalas na gamitin, at mas pinadalas pang serbisyo sa apat na umiiral nang ruta
- Tatlong bago at tatlong pinagandang ruta sa silangan-kanluran
Bukod pa sa mga panukalang pagbabago sa network ng bus, may sisimulan din ang Metro na bagong on-demand na Metro Flex zone sa Lake Forest Park, north Kenmore, Brier, at southeast Mountlake Terrace. Magbibigay ang serbisyong ito ng mas pinagandang mga koneksiyon sa mga destinasyon sa komunidad, paaralan, at iba pang serbisyo ng transit, kabilang na rito ang Link light rail at ang Bus Rapid Transit sa hinaharap.
Mga panukalang pagbabago sa:
- Pinaganda ang koneksiyon sa silangan/kanluran, na may bago, madalas sa buong araw na serbisyo sa N 145th (Route 72, 333, at 522 BRT), bago at tuloy-tuloy na serbisyo sa 125th hanggang 130th (bagong Route 77), at bagong koneksiyon sa pagitan ng Lake City, Northgate, at Greenwood (bagong Route 61).
- Kasama sa maraming bagong koneksiyon sa pagitan ng Lake City at Link ang sumusunod:
- Shoreline South/148th: Routes 65, 72 at 522 BRT
- NE 130th Street Station: Route 77
- Northgate Station: Routes 61, 67, 75, 322 at 348
- Roosevelt Station: Routes 67 at 77
- University of Washington Station: Routes 65, 67, 72, 75 at 77.
- Bagong pambuong araw na serbisyo sa Lake City Way, na kumukonekta sa Roosevelt Station at sa University of Washington (bagong Route 77).
- Ipinagpapatuloy na koneksiyon mula sa hilagang Lake City hanggang sa Nathan Hale High School at Jane Addams Middle School (Route 65), at bagong koneksiyon mula sa Pinehurst (bagong Route 77).
- Ipinagpapatuloy na serbisyo hanggang sa Sanford Hildebrant Towers, na may bagong koneksiyon hanggang sa Shoreline Place at sa Shoreline South/148th Station (nirebisang Route 345).
- Direktang serbisyo sa Ingraham High School (bagong Route 365).
- Madalas na serbisyo mula sa Northgate hanggang sa North Seattle College at Northwest Hospital (nirebisang Route 345 at bagong Route 365).
- Madalas na serbisyo sa abalang oras mula sa Northgate Station hanggang sa downtown Seatle at First Hill, na may bagong serbisyo sa South Lake Union (nirebisang route 303, 322).
- Ipinagpapatuloy nang madalas ang serbisyo hanggang sa kabayanan ng Seattle sakay ng Link, route 5, 40, 62, at RapidRide D at E Line.
- Ang ilang ruta sa lugar na ito ay kailangan ng higit pang koordinasyon sa City of Seattle.
- Pinaganda ang koneksiyon sa silangan/kanluran, na may bago, madalas sa buong araw na serbisyo sa N 145th (route 72, 333, at 522 BRT) at N 175th (Route 333), at pinagandang serbisyo sa N 185th (Route 348) at N 155th (Route 345).
- Ipinagpapatuloy nang madalas ang serbisyo hanggang sa kabayanan ng Seattle sakay ng Link, Route 5 at RapidRide E Line.
- Mga bago, madalas sa buong araw na rutang nagbibigay ng mga koneksiyon sa Link (route 72, 333, 348, at 522 BRT).
- Pinaganda ang koneksiyon sa Shoreline Community College sa bagong Route 333 na nag–aalok ng madalas at pambuong araw na serbisyo mula sa Shoreline South/148th Station, at nirebisang Route 331 na nag-aalok ng koneksiyon mula sa Mountlake Terrace Station at serbisyo nang hanggang sa mas gabi pa kaysa sa ngayon.
- Mas magandang serbisyo sa Shorewood High School (bagong Route 333 at nirebisang Route 331) at Shorecrest High School (nirebisang Route 65). .
- Ipinagpapatuloy na serbisyo sa 5th Ave NE sa pagitan ng Shoreline South/148th Station at Shoreline Nort/185th Station, na nag–aalok ng direktang koneksiyon sa Link (bagong Route 365).
- Tuloy-tuloy na serbisyo sa Meridian Ave N sa pagitan ng Aurora Village Transit Center at Shoreline South/148th Station, na magseserbisyo sa King County District Court at North Base ng Metro (nirebisang Route 346).
- Mas direktang serbisyo sa Shoreline Place at NW School for Deaf and Hard–of–Hearing (nirebisang Route 345).
- Ipinagpapatuloy sa buong araw ang mga koneksiyon sa Northwest Hospital at North Seattle College (nirebisang Route 345 at bagong Route 365).
- Ipinagpapatuloy na serbisyo sa abalang oras sa pagitan ng Aurora Village, Northgate, downtown Seattle, at First Hill, na may bagong serbisyo sa South Lake Union (Route 303).
kabilang ang Mountlake Terrace, Lake Forest Park, Kenmore, at Bothell
- Bagong koneksiyon sa Mountlake Terrace Station na pinalawak hanggang University of Washington Bothell, at mas magandang serbisyo sa gabi at weekend (nirebisang Route 331).
- Bago, mabilis, at madalas ang koneksiyon mula sa Bothell, Kenmore, at Lake Forest Park hanggang sa Shoreline South/148th Link Station (Sound Transit Route 522 Bus Rapid Transit).
- Bagong lugar ng serbisyo ng Metro Flex sa hilagang Kenmore, hilagang Lake Forest Park, at timog–silangang Mountlake Terrace. Ang serbisyong on–demand na ito ay mag–aalok ng mga koneksiyon sa Mountlake Terrace Station, Route 522 BRT, Lake Forest Park Town Center, Kenmore Park–and–Ride, at marami pang iba.
- Bagong pambuong araw, at madalas ang serbisyo mula sa Mountlake Terrace hanggang sa mga pangunahing destinasyon sa Shoreline (Route 333).
- Serbisyo para sa abalang oras sa pagitan ng Kenmore, Lake City, Northgate, downtown Seattle, at First Hill, na may bagong serbisyo sa South Lake Union (nirebisang Route 322).
- Magkakaroon nang mas madalas at mas mabilis na serbisyo sa pagitan ng University of Washington Bothell at mga campus sa Seattle sakay ng Route 522 BRT na may transfer sa Link light rail sa Shoreline South/148th Station o transfer sa bago at madalas na Route 72 sa 145th.
Mga ruta ng pinal na network
Kasama sa bawat sheet sa ibaba ang mga mapa at detalye ng mga ruta ng pinal na network:
Ruta (PDF) |
Paglalarawan |
Shoreline CC hanggang sa Downtown Seattle na Dadaan sa Greenwood Ave N |
|
Crown Hill hanggang sa Downtown Seattle na dadaan sa 8th Ave NW |
|
Loyal Heights hanggang sa University District na dadaan sa N 85th at Green Lake |
|
Lake City hanggang sa Greenwood na dadaan sa Northgate |
|
Shoreline /148th Station hanggang sa University District na dadaan sa Lake City |
|
Northgate Station hanggang sa University of Washington na dadaan sa Roosevelt |
|
Shoreline South/148th Station hanggang sa University District na dadaan sa Lake City |
|
Bagong ruta, kapalit ng Route 372 |
|
Bitter Lake hanggang sa University District na dadaan sa Lake City |
|
Aurora Village hanggang sa First Hill na dadaan sa Northgate at South Lake Union |
|
Kenmore hanggang sa First Hill na dadaan sa Lake City, Northgate, at South Lake Union |
|
Shoreline Community College hanggang sa University of WashingtonBothell, na dadaan sa Mountlake Terrace, Lake Forest Park, at Kenmore |
|
Shoreline South/148th Station hanggang sa Mountlake Terrace Station na dadaan sa Shoreline CC, North City |
|
Shoreline South/148th Station hanggang sa Northgate Station na dadaan sa Bitter Lake at Northwest Hospital |
|
Aurora Village Transit Center hanggang sa Shoreline South/148th Station, na dadaan sa Meridian Ave N |
|
Richmond Beach hanggang sa Northgate Station, na dadaan sa N 185th St at 15th Ave NE |
|
Shoreline North/185th Station hanggang sa Northgate na dadaan sa 5th Ave NE at Northwest Hospital |
|
North Kenmore/Lake Forest Park |
|
Northgate hanggang sa Lynnwood City Center |
|
Bothell hanggang sa Roosevelt Station (2024) |
Proseso at Iskedyul
Sa unang phase na ito ng pakikipag–ugnayan, ipapaalam ng Metro sa pangkalahatang publiko–kasama na ang mga sumasakay sa mga apektadong komunidad–ang tungkol sa saklaw at mithiin ng proyekto, at mangangalap ng impormasyon tungkol sa mga pangangailangan sa serbisyo mula sa publiko, mga sumasakay, at mga pangunahing stakeholder. Makakatulong ang impormasyong ito sa Mobility Board at kawanihan ng Metro sa kanilang magkasamang paggawa ng draft na konsepto ng serbisyo na hihingan ng feedback mula sa publiko sa pakikipag–ugnayan sa Phase 2.
Buod ng Pakikipag-ugnayan sa Phase 1Sa ikalawang phase na ito ng pakikipag–ugnayan, ibabahagi ng Metro ang tungkol sa saklaw at mithiin ng proyekto, at mga mungkahing ruta ng bus na mabubuo gamit ang impormasyong makakalap sa Phase 1 sa pangkalahatang publiko, kabilang ang mga sumasakay sa mga apektadong komunidad. Mangongolekta kami ng feedback tungkol sa mga mungkahing pagbabago sa ruta upang malaman pa kung ano ang mga priyoridad ng komunidad at kung paano mapahuhusay ng mga ito ang panghuling mungkahi ng mga ruta ng bus.
Buod ng Pakikipag-ugnayan sa Phase 2
Pagre-record ng ating mga sesyon ng impormasyon sa virtual na komunidad:
- Enero 24, 2023
(Available ang interpretasyon sa Spanish sa ilalim ng icon) - Pebrero 4, 2023
((Available ang interpretasyon sa Spanishh, Mandarin at Cantonese sa ilalim ng icon) - Pebrero 27, 2023
((Available ang interpretasyon sa Spanish at Mandarin sa ilalim ng icon)
Kung gusto mong pakinggan ang recording sa ibang wika, ipaalam sa amin! Mag-email sa amin (gamit ang iyong napiling wika) sa: haveasay@kingcounty.gov
Sa huling phase ng pakikipag–ugnayan, haharap ng Metro sa publiko ang mungkahing serbisyo ng bus at ipaliliwanag kung paano naapektuhan ang mga update na ito ng input ng komunidad mula sa Phase 2. Manghihingi kami ng feedback tungkol sa mga paraan kung paano mapabubuti ang mungkahi para sa serbisyo bago ito tapusin. Pagkatapos, susuriin namin kung paano naapektuhan ng input, priyoridad, at pagkakapantay–pantay sa komunidad ang panghuling mungkahi para sa serbisyo at ipaliliwanag namin ang anumang iba pang mahalagang susunod na hakbang.
Buod ng Pakikipag-ugnayan sa Phase 3Pagre-record ng ating mga sesyon ng impormasyon sa virtual na komunidad:
- Hulyo 24, 2023
(Available ang interpretasyon sa Spanish at Mandarin sa ilalim ng icon) - Agosto 15, 2023
((Available ang interpretasyon sa Spanish at Mandarin sa ilalim ng icon) - Agosto 19, 2023
((Available ang interpretasyon sa Spanish at Mandarin sa ilalim ng icon)
Kung gusto mong pakinggan ang recording sa ibang wika, ipaalam sa amin! Mag-email sa amin (gamit ang iyong napiling wika) sa: haveasay@kingcounty.gov
Pinal na Network: King County Council (Taglamig-Tagsibol 2024)
Public Engagement Report (Ulat sa Pakikipag-ugnayan sa Publiko)-
Taglagas – Taglamig 2021
Pagpaplano bago ang Pakikipag–ugnayan sa
-
Taglamig – Tagsibol 2022
Pagsusuri sa Pangangailangan sa Phase 1 sa
Inuuna ng Mobility Board ang mga pangangailangan -
Taglagas — Taglamig 2022
Mga Konsepto ng Serbisyo sa Phase 2
Pag–aaralan ng Mobility Board ang mga rekomendasyon -
Tag-init – Taglagas 2023
Panukalang Serbisyo sa Phase 3 sa
Pag–aaralan ng Mobility Board ang panghuling panukala -
Taglamig – Tagsibol 2024 (Kasalukuyan)
Konseho ng King County sa
Sarado na ngayon ang aming rider survey.
Mag-sign up para makatanggap ng mga update sa proyekto at malaman ang mga pagkakataong makipag-ugnayan sa hinaharap.Sa pamamagitan ng email (sa wikang gusto mo) sa: haveasay@kingcounty.gov
Paano ka Makakalahok
Pakikipag–ugnayan sa Komunidad
Sa pamamagitan ng proseso ng pakikipag–ugnayan sa komunidad na may tatlong phase, tutuunan ng Metro ang pakikinig sa mga pangangailangan sa mobilidad, pag–alam tungkol sa mga nakakasagabal sa mga sumasakay at mga pagkakataong mapabuti ang transit sa hilagang–kanlurang King County. Patuloy na ipapaalam sa amin ng mga lokal na komunidad ang tungkol sa mga nagbabago–bagong kondisyong nagdudulot ng mga hamon sa mobilidad, at pag–aaralan namin ang mga benepisyo at kailangang isakripisyo sa mga opsiyon sa mobilidad sa hinaharap kasama ng mga miyembro ng komunidad at stakeholder.
Mobility Board
Bumuo ang Metro ng Lynnwood Link Connections Mobility Board na may 15 miyembro para pantay–pantay na kumatawan sa mga grupo ng mga tao na batay sa kasaysayan ay hindi naisasali sa pagpapasya para sa transit at hindi balanseng naaapektuhan ng mga pasyang ito. Ang pangunahing tungkulin ng Mobility Board ay makipagtulungan sa mga kawani ng Metro upang makabuo at magpahusay ng maayos na panrehiyong network ng transit sa hilagang–kanlurang King County.
Mobility BoardPartner Review Board
Bukod pa sa indibiduwal na pakikipag–ugnayan ng Metro sa mga kaakibat at stakeholder sa proyekto, bumuo rin ang Metro ng team ng mga tagalabas na stakeholder para maglingkod bilang lupon para sa pagsusuri ng konsepto, na tinatawag na Partner Review Board. Kasama sa Board ang mga kinatawan mula sa mga hurisdiksyon at pangunahing institusyon sa lugar ng proyekto, namumuno sa mga organisasyon sa komunidad, at kinatawan mula sa mga kaakibat na ahensiya ng transit. Ang pangunahing tungkulin ng Partner Review Board ay magbigay–impormasyon, magsuri, at magkomento tungkol sa mga konsepto ng serbisyo na binubuo ng Mobility Board.