RapidRide R Line
Paparating na sa timog Seattle
Nagsisikap kaming maihatid ang RapidRide sa timog Seattle, upang makapaglaan ng mas maayos at maaasahang serbisyo ng bus at mga amenidad! Sa pamamagitan ng RapidRide R Line, maa-upgrade ang kasalukuyang Route 7 at mapaglilingkuran ang mga kapitbahayan sa pagitan ng kabayanan ng Seattle at Rainier Beach, kabilang na rito ang Chinatown-International District, Mount Baker, Columbia City, Hillman City, Brighton, at Dunlap.
Ang King County Metro at ang Seattle Department of Transportation (SDOT, Kagawaran ng Transportasyon ng Seattle) ay magkasamang nagsisikap para sa pagpaplano, outreach, at pakikipag-ugnayan sa timog Seattle. Upang malaman pa ang tungkol sa konstruksiyon para sa S. proyekto ng Lane ng Bus sa Rainier Avenue, pumunta sa website ng SDOT.
Pangkalahatang ideya ng proyekto
Ang Route 7 ay nagsisilbi bilang tuloy-tuloy na anyo ng transportasyon para sa mga komunidad sa timog Seattle—isang pantawid-buhay na nakatulong upang makalikha ng pakiramdam na may nakalaang lugar para sa maraming komunidad na hindi sapat na napaglilingkuran noon pa man. Dahil ang rutang ito ay isa sa pinakaabala sa Seattle, na naglilingkod sa mahigit 9,000 sumasakay kada araw, mahalagang mapalitan ito ng linya ng RapidRide. Magiging isa rin ito sa limang RapidRide Line sa hinaharap na bahagi ng lumalaking sistema ng transit ng Metro na magbibigay ng access sa mga sumasakay para sa mas maaayos na koneksiyon at maaasahang serbisyo.
Ang RapidRide R Line ay:
- Paaandarin sa pagitan ng kabayanan ng Seattle at lilikha ng bagong koneksiyon sa estasyon ng Rainier Beach Link light rail
- Magpaparami ng access sa maaasahan at madalas na transit sa timog Seattle
- Magpapaganda sa kalidad at magpapadali sa ligtas na pagkonekta sa transit, kabilang na rito ang impraestruktura, mga amenidad at teknolohiyang ginagamit ng mga sumasakay upang ma-access ang transit
Kabilang sa mga layunin para sa RapidRide R Line ang:
- Pagpaparami ng access sa mas maaasahang serbisyo ng transit sa timog Seattle
- Pagpapaganda sa kalidad at pagpapadali sa ligtas na pagkonekta sa transit, sa tulong ng mas maaayos na bangketa, rampa, at tawiran
- Pagbawas sa mga pagkaantala sa mga panulukan at lokasyon sa kahabaan ng ruta
- Pagpapaganda sa pangkalahatang karanasan ng mga sumasakay sa tulong ng mas magagandang bus, na-upgrade na sakayan, bagong silungan at bangkuan, mas maaayos na ilaw, at real-time na impormasyon sa pagdating ng bus at mga estasyon
Mga Benepisyo ng RapidRide
Mga bus muna
Sa maraming lugar, bumibiyahe ang RapidRide sa mga pulang lane na "pang-bus lang," na may mga espesyal na ilaw trapiko na inoorasan para sa mas mabilis na serbisyo.
Mas maraming access
I-enjoy ang pagsakay sa kahit anong pinto. I-tap ang iyong ORCA card upang magbayad sa isang estasyon o sa kahit anong pinto sa loob ng bus.
Mas madalas
Mga bus na dumarating nang mas madalas at nagbibigay ng tuloy-tuloy na serbisyo.
Noong 2019, nakipagtulungan ang Metro sa komunidad upang tumukoy ng mga lokasyon ng estasyon, magpanukala ng mga pagbabago upang maging mas mabilis at maaasahan ang mga bus, at mga pagbabago upang maging mas madali at ligtas ang pagsakay at pagbaba ng mga tao sa bus.
Kasama sa pakikipag-ugnayan sa komunidad ang mga briefing sa mga katuwang na organisasyon, na may mga presentasyong may pagsasalaysay at caption, sa wikang Amharic, Chinese (pinasimpleng Chinese na isinasalaysay sa Mandarin; tradisyonal na Chinese na isinasalaysay sa Cantonese at Mandarin), Spanish, Somali, at Vietnamese.
Nagkaroon din ng dalawang virtual na pagpupulong na may live na interpretasyon sa wikang Amharic, Cantonese, Mandarin, Somali, Spanish, at Vietnamese, at paglikha at pamamahagi sa maraming wika ng poster na may impormasyon ng proyekto.
Noong 2020, dahil may mga kitang hindi nakamit noong panahon ng pandemya ng COVID-19, kinailangan ng Metro na ihinto ang pagdidisenyo sa RapidRide R Line. Mula noong Marso 2020 hanggang Disyembre 2020, nagbahagi ang Metro ng impormasyon tungkol sa plano ng konsepto online.
Ang mga bagay na napakinggan namin
Bago inihinto ang trabaho, nangolekta ang Metro ng feedback mula sa mga miyembro ng komunidad na naninirahan, nagtatrabaho, at nagbibiyahe sa buong timog Seattle. Ang mga sumusunod na tema mula sa komunidad ay nakatulong na itaguyod ang disenyo ng RapidRide R Line:
Kaligtasan at kakayahang ma-access
- Mas maaayos at ligtas na access sa mga estasyon, lalo na para sa mga taong may mga problema sa pagkilos
- Mga alalahanin tungkol sa personal na kaligtasan
Komunidad at outreach
- Di-pamilyar ang RapidRide
- Malinaw na ipahayag kung paano at kailan puwedeng impluwensiyahan ng komunidad ang mga pagpapasya
- Mga alalahanin tungkol sa mga pamasahe at pagpapatupad sa pamasahe
Pinagandang serbisyo
- Mga alalahanin tungkol sa serbisyo para sa mga sumasakay sa timog ng S. Henderson Street
- Mas maaasahang serbisyo sa timog Seattle at mas magagandang koneksiyon papunta sa iba pang mga opsiyon sa transit
- Pinahahalagahan ng komunidad ang Route 7 para sa access sa mga kinakailangang serbisyo
- Mga alalahanin tungkol sa distansiya sa pagitan ng mga estasyon
- Hindi sapat na napaglilingkuran ang mga miyembro ng komunidad, at karapat-dapat silang agad na makatanggap ng mas maayos na serbisyo
Upang malaman pa ang tungkol sa mga bagay na napakinggan namin at ang aming detalyadong proseso ng pakikipag-ugnayan, makikita ang mga nakaraang ulat sa aming kalipunan ng sanggunian.
Noong 2023, gumawa ang Seattle Department of Transportation ng ilang pagpapaganda sa kalye sa kahabaan ng Rainier Avenue S., kabilang na rito ang pagdaragdag ng mga lane na pang-bus lang at bagong signal trapiko, pagpapaganda sa mga bangketa, bagong tawiran ng tao, at na-upgrade na rampa sa bangketa na nakaayon sa Americans with Disabilities Act (ADA, Batas para sa mga Amerikanong may mga Kapansanan), bilang bahagi ng proyektong Route 7 – Transit-Plus Multimodal Corridor (Sa wikang Ingles).
-
2019 hanggang 2020
Pagpaplano: Plano ng konsepto
Nakipag-ugnayan ang Metro sa mga miyembro ng komunidad, organisasyon sa komunidad, negosyo at katuwang na ahensiya upang bumuo ng mga disenyo ng estasyon, pagbabagong gagawin upang maging mas maaasahan ang bus, pagbabagong gagawin upang mapadali ang paglalakad, pagsakay, o pagpapagulong ng mga tao papunta sa bus, at pagbabagong gagawin upang maging mas maginhawa ang pagmamaneho ng bus.
Tandaan: Inihinto ang proyekto noong huling bahagi ng taong 2020 upang mapagtuonan ang kaligtasan ng mga sumasakay at upang mabawi ang mga nawalang kita na idinulot ng bumabang bilang ng pagsakay, na resulta ng pandemya ng COVID-19.
-
2024
Pagpaplano: Update sa plano ng konsepto
Naghahanda ang Metro na simulan ulit ang proyekto sa taong 2025, sa pakikipagtulungan sa SDOT. Makikipag-ugnayan kami sa komunidad at magbabahagi ng update sa plano ng konsepto ng RapidRide R Line, kabilang na rito ang paglilinya at mga panukalang lokasyon ng estasyon, na maglalaan ng pundasyon para sa gagawin sa hinaharap. Ang madalas na serbisyo ng bus sa Route 7 sa kahabaan ng umiiral nitong ruta ay magpapatuloy hanggang sa simula ng RapidRide R Line.
-
Mga yugto ng proyekto sa hinaharap
Ang pakikipag-ugnayan sa komunidad ay magpapatuloy sa mga yugto ng pagdidisenyo sa hinaharap, na kalaunan ay hahantong sa konstruksiyon ng mga bagong estasyon, pagpapaganda sa mga daanan, at iba pang mga elementong lilikha ng ligtas at maginhawang karanasan sa RapidRide.
Paglulunsad sa RapidRide R Line: Magsisimula ang serbisyo para sa R Line kapag tapos na ang konstruksiyon.