Skip to main content
close

KingCounty.gov is an official government website. Here's how you knowexpand_moreexpand_less

account_balance

Official government websites use .gov

Website addresses ending in .gov belong to official government organizations in the United States.

lock

Secure .gov websites use HTTPS

A lock lock or https:// means you've safely connected to the .gov website. Only share sensitive information on official, secure websites.

Metro Flex

Ang Metro Flex ay ang iyong sa kahilingang kalapit na lugar na serbisyo ng transit. Sa isang simpleng app—at ilang pag-tap lang—puwede ka nang sumakay kahit saan sa lugar ng serbisyo, kapareho lang ng pamasahe sa biyahe ng bus. Ang Metro Flex ay maginhawa, mabilis, abot-kayang pagbibiyahe sa dulo ng iyong mga kamay.

Ano ang Metro Flex

Ang Metro Flex ay isang sa kahilingang serbisyo ng transit na nagbibigay ng mga sakay sa loob ng maraming kalapit na lugar ng King County. Pumunta ka kung saan mo kailangang pumunta sa aming moderno, kumportableng mga minivan para sa isang murang pamasahe. Mamili, makipagkita sa mga kaibigan para sa tanghalian, o pumunta sa mga appointment. Saan man ang iyong patutunguhan, basta sakop ng serbisyo, ihahatid ka ng Metro Flex.

  • Maginhawa
    Sabihin sa Metro Flex gamit ang iyong telepono kung nasaan ka at kung saan mo gustong pumunta. Makakatanggap ka ng kalapit na lokasyon ng pagsundo na halos malapit lang.
  • Mabilis
    Mabilis at madali lang ang pag-book ng iyong pagsakay! Magpapadala sa iyo ang app ng tinatayang oras ng pagdating para sa iyong Metro Flex na sasakyan.
  • Abot-kaya
    Sumakay sa Metro Flex para sa kaparehong halaga ng Metro na biyahe ng bus. At gamit ang iyong ORCA card, puwede kang lumipat nang libre papunta o mula sa isang bus, Sound Transit Link light rail, o Sounder.
  • Kasama ang mga notipikasyon ng opsyon sa pagbiyahe
    Palaging ililista ng bagong app ang iyong pinakamahusay na mga pagpipilian sa pagbibiyahe batay sa iyong mga pagsundo at babaan— ito man ay isang Metro Flex na pagsakay, isang biyahe sa bus, o isa pang serbisyo ng transit.

I-download ang Metro Flex app

Download the iOS app Download the app from Google Play

Mga oras at lokasyon

Delridge/South Park

Karaniwang mga araw 6 am hanggang 11 pm

Sabado at Linggo 6 am hanggang 11 pm

Issaquah/Sammamish

Karaniwang mga araw 7 am hanggang 6 pm

Sabado 9 am hanggang 6 pm

Juanita

Karaniwang mga araw 7 am hanggang 7 pm

Walang serbisyo kapag katapusan ng linggo

Kent

Karaniwang mga araw 5 am hanggang 7 pm

Sabado at Linggo 7 am hanggang 7 pm

Northshore

Karaniwang mga araw 7 am hanggang 7 pm

Walang serbisyo kapag katapusan ng linggo

Othello, Rainier Beach/Skyway, Renton Highlands at Tukwila

Karaniwang mga araw 5 am hanggang 1 am

Sabado 5 am hanggang 1 am

Linggo 6 am hanggang 12 am

Iskedyul ng Metro Flex sa Holiday

Nagpapatakbo ang Metro Flex sa isang iskedyul ng serbisyo sa Linggo sa Araw ng Bagong Taon, Araw ng Alaala, Araw ng Kalayaan, Araw ng Paggawa, Araw ng Pasasalamat, at Araw ng Pasko.

Tingnan ang Metro holiday service para sa higit pang mga detalye.

Paano sumakay

Kapag nag-book ka ng iyong pagsakay gamit ang Metro Flex app, matatanggap mo ang pinakakumpletong impormasyon sa biyahe. Kasama dito ang live na pagsubaybay sa sasakyan at isang listahan ng iba pang mga opsyon sa transit.

Sa app

  • I-download ang app at mag-set up ng iyong profile. Piliin ang iyong “uri ng pagbabayad” (payment type) at pagkatapos ay “uri ng pamasahe/serbisyo” (fare/service type) para isaad ang anumang mga pangangailangan sa mobilidad o espesyal na pamasahe.
  • Buksan ang app para humiling ng masasakyan mo at hanggang sa 4 pang pasahero.
  • Makakatanggap ka ng oras ng pagdating at kalapit na lokasyon ng pagsundo—puwedeng kailanganin ng kaunting lakad sa pagsundo at babaan.

Kung mayroon kang mga pangangailangan sa mobilidad na nangangailangan ng sasakyang naa-access ng wheelchair, isama ang impormasyong ito sa loob ng iyong profile sa Metro Flex. Awtomatikong itatalaga sa iyo ang isang kalapit na masasakyan para sa lahat ng iyong mga pagsakay at hindi mo kailangan na puntahan.

Sapamamagitan ng Telepono

  • Tawagan ang Customer Service sa 206-258-7739 at ipaalam sa kanila kung nasaan ka at kung saan mo gustong pumunta.
  • Magbigay ng impormasyon sa anumang mga pangangailangan sa mobilidad na mayroon ka, at kung paano mo babayaran ang iyong pamasahe.
  • Ibibigay ng iyong ahente ang mga detalye ng iyong biyehe, kabilang ang oras ng pagdating at kung saan makikipagkita sa iyong drayber.

Online

  • Pumunta sa metroflex.app.ridewithvia.com para gumawa at/o mag-log in sa iyong account.
  • Ilagay kung saan ka mangagaling at papunta, kumpirmahin ang mga lokasyon (o dalawang beses na i-click ang mapa).
  • Ipahiwatig ang anumang mga pangangailangan sa mobilidad at/o karagdagang mga pasahero sa ilalim ng drop-down na "1 Pasahero" (1 Passenger).
  • Suriin ang mga opsyon sa biyahe at piliin ang "mag-book ng aking pagsakay" (book my ride).
  • Matatanggap mo ang mga detalye ng iyong biyahe, kabilang ang oras ng pagdating at kung saan makikipagkita sa iyong drayber.

Pamasahe at Pagbabayad

Pareho lang ang gastos sa Metro Flex na pagsakay at biyahe ng bus ng Metro. Magbayad ka muna bago sumakay o magpakita ng patunay ng pagbabayad sa iyong drayber.

Tingnan ang kasalukuyang mga pamasahe at pagbabayad ng Metro

ORCA card

Nagbibigay-daan sa iyo ang paggamit ng ORCA card na lumipat sa pagitan ng Metro Flex at mga bus, Sound Transit Link light rail o Sounder. I-tap ang card reader sa sasakyan (na matatagpuan sa likod ng headrest ng iyong drayber) gamit ang iyong ORCA card.

Matuto pa tungkol sa mga ORCA card

Transit GO Ticket

Nagbibigay-daan sa iyo ang paggamit ng Transit GO Ticket sa iyong telepono na lumipat sa pagitan ng Metro Flex at iba pang mga bus ng Metro . Hindi sakop ang mga paglilipat sa Link light rail at Sounder na tren. Ipakita ang iyong Transit GO Ticket (nasa iyong phone app) sa drayber.

Matuto pa tungkol sa Transit GO Ticket

Mga credit card, debit card, at prepaid card

Tinatanggap lamang ang pagbabayad sa pamamagitan ng telepono sa isang ahente ng serbisyo sa kustomer o sa pamamagitan ng Metro Flex app. Magbayad gamit ang iyong credit o debit card sa pamamagitan ng paglalagay ng impormasyon ng account sa Metro Flex app.

Hindi nagpapahintulot ng paraang ito na lumipat sa isang bayad na pamasahe ng Metro Flex sa mga bus, Link light rail, o Sounder. Sa madaling salita, kakailanganin mo ulit magbayad para sa biyahe sa ibang mga sasakyang transit.

Mga Bawas na Pamasahe

Tinatanggap ang lahat ng umiiral na King County Metro na programa sa bawas pamasahe, kabilang ang ORCA LIFT.

Matuto pa tungkol sa mga may diskwentong pamasahe

Pagtatatuwa: Nalalapat ang karaniwang mga pamasahe sa Metro. Hindi tinatanggap sa mga sasakyan ng Metro Flex ang mga pera na pamasahe at paglilipat na papel/tiket. Walang bayad ang mga mananakay na 18 taong gulang o mas bata sa Metro Flex at iba pang sasakyan sa rehiyon.

Madaling ma-access

Kung kailangan mo ng sasakyang naa-access ng wheelchair, kailangan ng iba pang tulong sa mobilidad, o nahihirapang maglakad ng maiikling distansya, pakisaad ang lahat ng pangangailangan sa loob ng iyong profile sa Metro Flex. Kung nag-book ka ng mga pagsakay gamit ang telepono, sabihin sa ahente ng serbisyo sa kustomer ang tungkol sa iyong mga pangangailangan sa suporta sa pagsakay.

Pakitandaan, isa lamang pasahero sa wheelchair ang kasya sa bawat Metro Flex na sasakyan. Ang rampa ng wheelchair, na matatagpuan sa likuran ng sasakyan, ay idinisenyo para tumanggap ng hanggang 800 pounds na bigat at mga wheelchair na hanggang 36 na pulgada ang lapad.

Mga Madalas na Itanong

Hindi, puwedeng hilingin lang ang mga sa kahilingang pagsakay sa pamamagitan ng app o sa pamamagitan ng telepono. Planuhin at suriin ng maaga ang tinantyang oras ng pagdating "Tinatayang Oras ng Pagdating" (Estimated Time of Arrival, ETA) kapag gusto mong i-book ang iyong pagsakay. Kapag mataas ang demand ng mga sasakyan ng Metro Flex, nangangailangan sila ng dagdag na oras upang makarating sa iyo at sa iyong lokasyon. Salamat sa iyong pasensya.

Kung ang Metro Flex ay nakararanas ng mataas ng demand o ang transit na magsisilbi sa biyaheng ito, puwedeng hindi tanggapin ang iyong paunang kahilingan sa biyahe. Ngunit pakisubukang muli sa loob ng ilang minuto. Kapag nakumpleto na ng ibang mga rider ang kanilang mga biyahe, puwedeng tanggapin ang iyong kahilingan.

Kapag nasa labas ka ng lugar ng serbisyo, abala ang serbisyo ng Metro Flex o alam ng app na ang Metro Flex ay hindi ang pinakamahusay na paraan upang maabot ang iyong patutunguhan, ang iba pang mga opsyon sa biyahe ay ililista, gaya ng bus at Link serbisyo ng light rail.

Para gawing episyente ang Metro Flex hangga't puwede, naghahanap ang app ng mga lugar na puwedeng hintuan na malapit sa iyong mga lokasyon ng pagsundo at babaan. Sa paglalakad ng maigsing distansya, binabawasan mo at ng iba pang mananakay ang tagal ng oras na kailangang gugulin sa mga sasakyan ng Metro Flex —ang mas kaunting oras ay nangangahulugan ng mas maraming serbisyo!

Tandaan : Hindi kailangang maglakad para sa mga kliyenteng mayroong—at naglilista—ng mga pangangailangan sa mobilidad at para sa sinumang pasaherong sumakay mula 10 pm hanggang 6 am. Tiyaking sabihin ang iyong mga pangangailangan sa mobilidad sa loob ng iyong profile ng app o sa pamamagitan ng telepono.

Para maisumite ang iyong kahilingan sa pagsakay dapat mong i-tap ang button na “Magtakda ng bababaan” (Set drop-off) sa ibaba ng screen. Ililista ng app ang mga alok na may lokasyon ng pagsundo at ETA (tinantyang oras ng pagdating) para sa iyong biyahe. Mawawala ang iyong mga alok sa pagsakay pagkalipas ng 30 segundo. Para tumanggap ng pagsakay, piliin ang gusto mong opsyon at i-tap ang button na “I-book ang biyaheng ito” (Book this ride).

Ang Metro Flex ay may mga sasakyan na naa-access ng wheelchair. Kung ikaw ay isang mananakay na nangangailangan ng sasakyang naa-access ng wheelchair, mangyaring itakda ang kagustuhang ito sa ilalim ng seksyong “uri ng pamasahe/serbisyo” (fare/service type) sa iyong profile ng Metro Flex app o kapag humihiling ng masasakyan sa pamamagitan ng telepono.

Oo! Bago mag-book ng iyong biyahe, i-tap ang "+" na button pagkatapos ng paalala na "Bumabyahe nang mag-isa?" (Traveling alone?). Mag-scroll pababa sa listahan ng mga opsyon para “Magdagdag ng bisikleta” (Add a bike). I-click ang opsyong ito para ipadala ang isa sa aming mga sasakyan na nilagyan ng salansanan ng bisikleta.

Walang parusa para sa pagkansela ng iyong pagsakay sa Metro Flex. Gayunpaman, puwedeng magdulot ng mga hindi kinakailangang pagkaantala para sa ibang mga mananakay ang pagkansela ng biyahe—paki-iwasang magkansela maliban kung ito ay kinakailangan.

Oo, malugod na tinatanggap ang mga bata! At tandaan, libre ang pagsakay ng mga kabataan na 18 taong gulang o mas mababa sa Metro Flex at lahat ng iba pang sasakyan sa rehiyon. Pakidala ng upuan ng kotse o booster seat para sa maliliit na bata na nangangailangan ng mga ito—ang mga pagpigil sa kaligtasan na ito ay inirerekomenda ngunit hindi kinakailangan. Ang lahat ng mga bata, anuman ang edad, ay dapat matukoy bilang isang "karagdagang pasahero" (additional passenger) kapag nagbo-book ng iyong pagsakay. At ang bawat mananakay ay dapat na hindi bababa sa 13 taong gulang para sumakay nang mag-isa.

Puwedeng sumakay ang mga hayop sa serbisyo sa mga sasakyan ng Metro Flex nang walang mga paghihigpit. Dapat nasa isang lalagyan na inaprubahan ng airline para sakyan ang ibang mga aso at pusa.

Habang ibinabahagi ang mga pagsakay sa Metro Flex, hinihiling sa bawat pasahero na limitahan ang mga personal na kagamitan at ilagay sa isang lalagyan o isang bag na may sapat na sukat. Kung hindi kasya ang iyong bagay, hindi magagarantiya ng Metro Flex ang iyong pagsakay.

Kahit na hinihiling ng Metro Flex app ang iyong paraan ng pagbabayad, hindi pa nakukuha ang bayad hanggang sa i-tap mo ang iyong ORCA card laban sa onboard reader ng sasakyan.

Huwag mag-alala—puwede ka pa ring sumakay na may bawas na pamasahe sa pamamagitan ng pag-update ng iyong mga setting ng profile sa Metro Flex app. Para piliin ang uri ng iyong pamasahe, i-tap ang button na “Menu” (Pagpipilian) sa kaliwang bahagi sa itaas, at piliin ang “Uri ng Pamasahe/Serbisyo” (Fare/Service Type). Mula sa drop-down na menu, piliin ang iyong tamang uri ng pamasahe. Yamang ang pagbabayad ay nangyayari sa sasakyan, ang aming ORCA card reader ay awtomatikong malalaman kung mayroon kang bawas na pamasahe na ORCA card at sisingilin ka ng tamang pinababang pamasahe, anuman ang sinasabi ng resibo.

Ang Metro Flex Access On-Demand ay isang pilot program (programang eksperimental) para sa mga sinasabing pre-kwalipikadong kustomer ng Access. Nagbibigay ito ng parehong araw, sa kahilingan na naa-aacess na pagsakay sa mga van ng Metro Flex, sa loob ng isang tinukoy na lugar ng serbisyo. Ang mga mananakay ay susunduin sa loob ng humigit-kumulang 30 minutos pagkatapos mag-book ng pagsakay, at maaaring ibahagi ang mga pagsakay. Sa panahon ng yugto ng pilot, ang Metro ay mag-iimbita ng mga piniling kustomer ng Access upang subukan ang Metro Flex Access On-Demand.

Matuto pa

expand_less