Pantakip sa mukha
Ang mga pantakip ng mukha, partikular na ang mga lapat at mataas na kalidad na maskara gaya ng N95 o KN95, ay nananatiling mahalagang sangkap sa pagtulong sa pagbawas sa pagkalat ng COVID-19. Ang mga pantakip ng mukha ay lalong mahalaga para sa mga taong kabilang sa mga sumusunod na grupo at kanilang mga madalas makasalamuha:
- 65 taong gulang pataas
- may kundisyong pangkalusugang naglalagay sakanila sa mas mataas na panganib na magkaroon ng malalang sakit
- nakumpromiso ang resistensya
- hindi nabakunahan
- masama ang pakiramdam
Ang mga batang wala pang 2 taong gulang ay hindi dapat magsuot ng pantakip ng mukha.
Ang mga pantakip ng mukha ay nirerekomenda sa loob ng mga pampublikong lugar at lalo na sa:
- Mga pasilidad na medikal o pangkalusugan, kabilang ang mga ospital, outpatient, dentista, at botika
- Mga pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga
Maaari kang pagsuutin ng pantakip ng mukha ng kahit sinumang organisasyon. Salamat sa pagrespeto sa desisyon ng mga taong piniling ipagpatuloy ang pagsusuot ng pantakip ng mukha.
Mga mapagkukunan ng kaalaman
Mga poster
Mga negosyo, mga empleyado, mga paaralan, mga childcare, at mga organisasyon
Maaari pa ring itakda ng mga pribadong negosyo, organisasyon, mga paaralan, at childcare na kailangang magsuot ng mask kahit hindi na ito inaatas ng gobyerno. Ang mga poster na ito ay maaaring gamitin ng mga establisyimentong nais magtakda ng sarili nilang patakaran ukol sa pagsusuot ng mask.