Skip to main content

Pagsusuri sa COVID-19

Pagsusuri sa COVID-19

Magpasuri

Kung ikaw ay nakararamdam ng sakit o may mga sintomas ng COVID, magpasuri agad kahit pa ikaw ay nabakunahan. Kung magpositibo ka, karamihan sa mga gamutan para sa COVID ay dapat magsimula sa loob ng limang araw pagkatapos makaramdam ng sakit.

Talasalitaan

 Pumili ng entry sa ibaba upang tingnan ang kahulugan

Ang mga Antigen self-tests (sariling pagsusuri ng Antigen), kung minsan ay tinatawag na “rapid test (mabilis na pagsusuri)” o “home test (pagsusuri sa bahay),” ay natutuklasan ang mga protina ng bayrus sa katawan. Ang antigen self-tests ay gumagamit ng mga sampol ng laway at swab ng ilong. Ang mga resulta ay makukuha sa loob ng 15-30 minutos.

Ilang grupo ng mga tao ay itinuturing na Ilang grupo ng mga tao ay itinuturing na at malamang mas malubhang magkasakit mula sa COVID-19. Ang mga taong higit sa 60 taong gulang, mga taong hindi nabakunahan, mga taong may pinagbabatayan na mga isyu sa kalusugan, at mga taong buntis ay maaaring nasa mas mataas na panganib.

Ang mga taong nasa mataas na panganib ay dapat makipag-usap kaagad sa kanilang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung sila ay positibo sa pagsusuri dahil ang paggamot ay pinaka-epektibo kapag maagang nasimulan.

Ang kahulugan ng Pagbubukod ay ang pananatiling hiwalay sa lahat ng taong walang COVID-19 kahit na sa loob ng iyong tahanan.

Ang mga molecular tests (molekular na pagsusuri) ay matutukoy kung nasa katawan ang genetikong materyal ng COVID-19. Ginagawa ang mga pagsusuring ito sa mga sampol na nakolekta sa pamamagitan ng nasal swab (mula sa ilong). Kasama sa mga pagsusuring ito ang PCR at TMA.

Ang kahulugan ng pagkukuwarentenas ay ang pananatili sa bahay na walang mga bisita, malayo sa mga tao sa labas ng iyong tahanan. Huwag pumunta sa trabaho, paaralan o mga pampublikong lugar. Kung maaari, lumayo sa mga tao sa iyong tahanan na may mataas na panganib na magkaroon ng COVID-19 (mga hindi nabakunahan, mga matatanda, at mga may kondisyong medikal).

Ang pagsusuri na inuulit sa iba’t ibang oras ay tinatawag na paulit-ulit na pagsusuri. Ang ilang mga pansariling pagsusuri ay idinisenyo upang magamit sa isang serye na 24 hanggang 48 oras ang pagitan. Ang paulit-ulit na pagsusuri ay maaaring mas mabisa sa pagtuklas ng impeksyon sa mga taong malapit na nakasalamuha ng may COVID-19 kaysa sa pagsusuring isinagawa nang iisang beses lamang.


Patnubay

  • Kung mayroon kang mga sintomas ng COVID-19 magpasuri sa lalong madaling panahon anuman ang katayuan ng pagpapabakuna. Huwag pumunta sa emergency room ng ospital o sa urgent care center (sentro ng madaliang pangangalaga) para magpasuri.
  • Kung ikaw ay nahantad sa sinumang may COVID-19 (sa loob ng 6 na talampakan ng tao nang 15 minuto o pataas sa loob ng 24 oras) magpasuri sa ika-limang araw pagkatapos ng pagkakahantad anuman ang katayuan ng pagpapabakuna. Kung magkaroon ka ng sintomas, huwag nang maghintay ng 5 araw at magpasuri kaagad o pag-isipan ang muling pagsusuri kung nasuri ka na.
  • Kung hihilingin ng iyong paaralan, lugar na pinagtratrabahuhan, tagapangalaga ng kalusugan, estado, o lokal na kagawaran ng kalusugan.
  • Pagkatapos ng paglalakbay dapat magpasuri ang lahat ng manlalakbay anuman ang katayuan ng pagbabakuna kung ang paglakbay ay may kinalaman sa mga sitwasyong may higit na panganib ng pagkalantad tulad ng nasa mataong lugar habang hindi nakasuot ng angkop na sikip na maskara.

May dalawang pangunahing uri ng pagsusuri na makapagsasabi kung mayroon kang COVID-19:

  • Antigen (pansarilng pagsusuri)
  • Molekular (PCR o NAAT na pagsusuri)
  1. Maaari kang makakuha ng mga antigen at mga PCR/NAAT na pagsusuri sa pamamagitan ng tagapangalaga ng kalusugan, klinika, lugar ng pagsusuri, o laboratoryo.
  2. Maghanap ng lugar para sa libre o murang pagsusuri, klinika, o laboratoryo sa King County. Hahanapan ka ng ID at tarhetang pangseguro (kung ikaw ay may seguro), ngunit hindi ito kinakailangan para magpasuri.

  3. Maaari ka rin magsagawa ng antigen test sa tahanan. Ang mga ito ay tinatawag na at-home (sa bahay), over-the-counter (nabibili na walang reseta), o mga rapid self-test (mabilis na sariling pagsusuri). Maaaring mabili ang mga antigen test sa botika, magtitingi, o online. Kung mayroon kang segurong pangkalusugan, sakop nito ang 8 na mga pagsusuri sa tahanan para sa bawat tao bawat buwan (direktang makipag-ugnayan sa iyong tagaseguro).

Kung ikaw ay nasa mataas na panganib ma-ospital dahil sa COVID, importante na magpasuri sa lalong madaling panahon at magamot ng maaga. Ang mga tabletas na oral antiviral o iba pang mga opsyon sa paggamot ay maaaring magpababa ng tsansa na lumala ang iyong sakit kung iinumin sa loob ng 5 araw na nagkaroon ng mga sintomas. Walang gagastusin para sa paggamot anuman ang katayuan sa seguro o imigrasyon.

Para magpagamot:

  1. Kausapin muna ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Ang iyong tagapagbigay ay maari kang bigyan ng isang reseta na maaring punan sa mga kalahok na botika or kahit saan na mayroong mga antiviral.
  2. Bisitahin ang klinika ng Test to Treat (Magpasuri upang Magamot) para makatanggap ng pagsusuri at panggamot sa minsanang pagbisita. Upang makahanap ng klinika, ilagay ang iyong zip code sa Test to Treat locator o tumawag sa 1-800-232-0233 (TTY 888-720-7489) para makakuha ng tulong sa Ingles, Espanyol at higit sa 150 iba pang mga wika.

Paggamot sa COVID-19 (PDF)

Kung positibo ang iyong pagsusuri

  • Malamang na mayroon kang COVID-19 kahit na wala kang mga sintomas.
  • Kung nagsagawa ka ng mabilis na pagsusuri sa bahay, hindi mo na kailangang kumpirmahin ang resulta sa pamamagitan ng pagpunta sa isang laboratoryo, klinika, o lugar ng pagsusuri.
  • Hindi mo na kailangan ng isa pang pagsusuri para makakuha ng gamutan.

Anong gagawin:

  • Ibukod ang sarili nang limang araw. Patuloy na magsuot ng maskara tuwing nakapaligid sa iba sa loob ng limang karagdagang araw pagkatapos ng pagkakabukod.
  • Kung ikaw ay nasa mas mataas na panganib na magkasakit, makipag-ugnayan sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o bumisita sa isang klinika ng Test to Treat upang magtanong ng mga opsyon para sa maagang gamutan.
  • Ipaalam sa mga taong malalapit sa iyo at mga miyembro ng iyong sambahayan na ikaw ay nasuring positibo.
  • Tingnan ng higit pa ang tungkol sa suporta para sa mga manggagawa.
  • Ipaalam ang mga resulta ng rapid test sa Kagawaran ng Kalusugan ng Washington State sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod:
    • Ipaalam online. Magtungo sa safercovid.org/mytest, piliin ang iyong estado, at punan ang online form ng mga resulta ng iyong test.
    • Ipaalam sa pamamagitan ng pagtawag. Tumawag sa 1-800-525-0127 at pindutin ang # (pindutin ang #7 para sa Español o bigkasin ang kailangan mong wika pagkakonekta ng tawag).
  • Kung kailangan mo ng pagkain o iba pang tulong habang ikaw ay nakabukod o nagkukuwarentenas, pumunta sa Care Connect Washington o tumawag o magtext sa hotline ng programa, 1-833-453-0336.
  • Sagutin ang tawag o text mula sa contact tracing. Kikilalanin ng telepono mo ang tumatawag bilang "WA Health."

Mga lugar ng pagsusuri sa COVID-19 ayon sa lokasyon sa King County

Tingnan ang listahan sa ibaba para sa libre o murang pagsusuri para sa COVID-19 sa King County.

Hahanapan ka ng ID at tarhetang pangseguro (kung ikaw ay may seguro), ngunit hindi ito kinakailangan para magpasuri.

Ang mga lugar na ito ay hindi pinapatakbo ng King County at maaaring may bayad ang kanilang mga serbisyo sa pagsusuri. Mangyaring suriin ang kanilang website para sa karagdagang impormasyon.

Pumili ng lungsod sa ibaba para makahanap ng lugar ng pagsusuri na malapit sa iyo.

Pansinin: ang mga lugar na minarkahan ng asterisk (*) ay nagbibigay ng libreng pagsusuri sa mga walang insyurans. Kung magtutungo ka sa ibang lokasyon, direktang makipag-ugnayan sa testing site upang kumpirmahin ang halaga ng pagsusuri.

UW Medicine* – Ang ilang mga site ng pagsubok ay nagsasara. Bisitahin ang website para sa impormasyon.


Maghanap ng libreng pagsusuri sa COVID-19 external link (maraming lokasyon)

Maghanap ng klinikang Test to Treat (Magpasuri para Magpagamot) external link (maraming lokasyon)


Alinsunod sa Pederal na batas na pangkarapatang sibil, ang Pampublikong Kalusugan – Seattle at King County ay hindi nagtatangi sa anumang programa o aktibidad batay sa protektadong uri ng isang indibidwal, kabilang ngunit hindi limitado sa lahi, kulay, bansang pinanggalingan, relihiyon, pagkakakilanlang kasarian (kabilang ang ihinahayag na kasarian), oryentasyong sekswal, kapansanan, edad, at katayuan ng pag-aasawa. Kung mayroon kang reklamo at nagnanais maghain ng hinaing, o may katanungan tungkol sa posibleng diskriminasyon, makipag-ugnayan sa King County Civil Rights Program sa civil-rights.OCR@kingcounty.gov; 206-263-2446 TTY Relay 7-1-1; o 401 5th Ave, Suite 800, Seattle, WA 98104.


I-link/ibahagi ang ating site sa kingcounty.gov/covid/testing/tagalog

expand_less