Skip to main content

Karaniwang mga tanong tungkol sa pagsusuri ng COVID-19

Karaniwang mga tanong tungkol sa pagsusuri ng COVID-19

Mga karaniwang tanong sa pagsusuri

Bago ka pumunta, tingnan ang website ng lokasyon na balak mong bisitahin. Dapat ay handa kang dalhin ang mga sumusunod:

  • Tarheta ng seguro, kung mayroon kang seguro. Kung mayroon kang seguro, mangyaring ibigay ang impormasyong ito at sisingilin sila ng laboratoryo. Hindi ka sisingilin para sa pagsusuri. Hindi mo kailangang magkaroon ng seguro o isang tala ng doktor upang mag-iskedyul ng pagsusuri.
  • Maskara na nakasuot nang maayos. Bilang pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan, ang mga maskara ay kinakailangan sa lahat ng panloob at panlabas na lokasyon ng pagsusuri anuman ang katayuan ng pagbabakuna.
  • Magagamit ang pagsusuri anuman ang iyong katayuan sa pagkamamamayan/imigrasyon. Hindi kinakailangan ang ID na may litrato.

Ang sinumang may mga senyales o sintomas ng COVID-19 ay dapat magpasuri sa lalong madaling panahon anuman ang katayuan ng pagbabakuna.

Inirerekomenda din ang pagsusuri sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • Kung nahantad ka sa isang taong may COVID-19 (sa loob ng 6 na talampakan ng tao sa loob ng 15 minuto o higit pa sa loob ng 24 na oras) humingi ng pagsusuri 5 araw pagkatapos ng pagkakahantad.
  • Kung hihilingin ng iyong paaralan, pinagtratrabahuhan, tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, estado, o lokal na departamento ng kalusugan.
  • Pagkatapos ng pagbiyahe Ang lahat ng mga biyahero ay dapat magpasuri kung ang pagbiyahe ay may kinalaman sa mga sitwasyong may mas malaking panganib na mahantad tulad nang mataong lugar habang hindi nakasuot ng maayos na maskara.

Para sa gabay sa pagsusuri sa domestiko at internasyonal na pagbiyahe, tingnan ang pahina ng Pagbiyahe ng CDC.

  1. Maaari kang makakuha ng mga antigen at mga PCR/NAAT na pagsusuri sa pamamagitan ng tagapangalaga ng kalusugan, klinika, lugar ng pagsusuri, o laboratoryo.
  2. Maghanap ng lugar para sa libre o murang pagsusuri, klinika, o laboratoryo sa King County. Hahanapan ka ng ID at tarhetang pangseguro (kung ikaw ay may seguro), ngunit hindi ito kinakailangan para magpasuri.

  3. Maaari ka rin magsagawa ng antigen test sa tahanan. Ang mga ito ay tinatawag na at-home (sa bahay), over-the-counter (nabibili na walang reseta), o mga rapid self-test (mabilis na sariling pagsusuri). Maaaring mabili ang mga antigen test sa botika, magtitingi, o online. Kung mayroon kang segurong pangkalusugan, sakop nito ang 8 na mga pagsusuri sa tahanan para sa bawat tao bawat buwan (direktang makipag-ugnayan sa iyong tagaseguro).
  4. O humingi ng libreng mabilisang pagsusuri rito:

Para sa nakalistang libre at murang mga opsyon sa pagsusuri sa buong King County, bisitahin ang aming webpage para sa pagsusuri sa COVID-19.

Ang mga lugar na ito ay hindi pinapatakbo ng King County at maaaring may bayad ang kanilang mga serbisyo sa pagsusuri. Maangyaring suriin ang kanilang website para sa mga karagdagang impormasyon.

Hahanapan ka ng iyong ID at tarheta ng seguro (kung mayroon kang seguro), ngunit hindi ito kinakailangan para masuri.

Direktang alamin ang impormasyong ito sa lugar ng bakunahan. Ang mga resulta ay karaniwang nakukuha sa loob ng 72 oras.

Maaari kang magpasuri sa karamihan ng mga lugar ng bakunahan kahit na wala kang mga sintomas. Hanapin ang listahan ng mga lugar ng pagsusuri sa komunidad dito.

Ibinibigay ang priyoridad na pagsusuri sa mga may sintomas o nasa agarang panganib para sa COVID-19.

Dapat gumawa ang mga organisasyon ng sarili nilang mga patakaran sa pagsusuri. Magtanong sa iyong organisasyon upang malaman kung anong uri ng pagsusuri ang kanilang tatanggapin.

Ineendorso ng King County ang anumang uri ng pagsusuri sa COVID-19 na pinangangasiwaan ng isang tagapagbigay ng pagsusuri. Kinakailangang gumamit ang mga tagapagbigay ng pagsusuri ng mga pinahihintulutan ng FDA o naaprubahang pagsusuri sa COVID-19. Hindi ineendorso ng Pampublikong Kalusugan ang paggamit ng mga pagsusuri sa antibody upang masuri ang kasalukuyang impeksiyon, alinsunod sa kasalukuyang gabay ng CDC.

Ang mga taong kamakailan lamang ay gumaling mula sa COVID-19 (sa loob ng 90 araw mula nang makakuha ng positibong pagsusuri) ay dapat gumamit ng antigen/sariling pagsusuri at hindi ng NAAT/PCR/TMA na pagsusuri. Ang mga pagsusuri sa NAAT ay sapat na sensitibo upang makakuha ng viral na materyal hanggang 90 araw pagkatapos ng impeksyon at maaaring magbigay ng maling resulta.

Kung nagpositibo ka para sa COVID-19 o nasa mas mataas na panganib mula sa sakit, ang maagang paggamot sa COVID-19 ay makakatulong upang maprotektahan mula sa malubhang karamdaman at pagpapaospital. Tanungin ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan upang makita kung ang paggamot ay inirerekomenda para sa iyo.

Mga tanong sa mabilis na pagsusuri ng sarili

Ang mga pagsusuring ito ay parehong para sa COVID-19 at kinokolekta sa pamamagitan ng pamunas ng ilong. Ang mga pagsusuri sa sarili ng antigen, na kung minsan ay tinatawag na "mabilis na pagsusuri" o "pagsusuri sa bahay," ay nakakakita ng mga bahagi ng bayrus samantalang ang mga pagsusuring molekular, tulad ng mga pagsusuri sa PCR o TMA, ay nakakakita ng genetic na materyal ng bayrus.

Ang mga pagsusuri sa antigen ay hindi ginagawa sa isang laboratoryo. Ang mga ito ay mas mabilis, na nagbibigay ng resulta sa loob ng 15-30 minuto. Ang mga molecular PCR na pagsusuri ay ginagawa sa isang laboratoryo at tumatagal ng hanggang 72 oras bago makapagbigay ng resulta.

Maaari kang bumili ng pagsusuri sa sarili ng antigen na kit sa mga parmasya, mga tindahan at online o maaari mo itong isagawa sa mismong pasilidad na dalubhasa sa mabilis na pagsusuri.

Ang mga pagsusuri sa sarili ng antigen ay maaaring hindi gaanong sensitibo (ibig sabihin ay mas malamang na makakuha ng isang maling negatibo o positibong resulta), ngunit ang kanilang mabilis na mga resulta ay maaaring makatulong na ihiwalay ang mga iyon mula sa nakakuha ng positibong resulta mula sa mga hindi at mabawasan ang pagkahawa. Napakasensitibo ng mga pagsusuri sa PCR (ibig sabihin ay mas bihirang magkaroon ng maling positibo o negatibong resulta) at kadalasang tinutukoy ito bilang "Gold Standard" kahit na maaaring mas matagal bago makuha ang mga resulta.

Kung positibo ang iyong pagsusuri

  • Malamang na mayroon kang COVID-19 kahit na wala kang mga sintomas.
  • Kung nagsagawa ka ng mabilis na pagsusuri sa bahay, hindi mo na kailangang kumpirmahin ang resulta sa pamamagitan ng pagpunta sa isang laboratoryo, klinika, o lugar ng pagsusuri.
  • Hindi mo na kailangan ng isa pang pagsusuri para makakuha ng gamutan.

Anong gagawin:

  • Ibukod ang sarili nang limang araw. Patuloy na magsuot ng maskara tuwing nakapaligid sa iba sa loob ng limang karagdagang araw pagkatapos ng pagkakabukod.
  • Kung ikaw ay nasa mas mataas na panganib na magkasakit, makipag-ugnayan sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o bumisita sa isang klinika ng Test to Treat upang magtanong ng mga opsyon para sa maagang gamutan.
  • Ipaalam sa mga taong malalapit sa iyo at mga miyembro ng iyong sambahayan na ikaw ay nasuring positibo.
  • Tingnan ng higit pa ang tungkol sa suporta para sa mga manggagawa.
  • Ipaalam ang mga resulta ng rapid test sa Kagawaran ng Kalusugan ng Washington State sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod:
    • Ipaalam online. Magtungo sa safercovid.org/mytest, piliin ang iyong estado, at punan ang online form ng mga resulta ng iyong test.
    • Ipaalam sa pamamagitan ng pagtawag. Tumawag sa 1-800-525-0127 at pindutin ang # (pindutin ang #7 para sa Español o bigkasin ang kailangan mong wika pagkakonekta ng tawag).
  • Kung kailangan mo ng pagkain o iba pang tulong habang ikaw ay nakabukod o nagkukuwarentenas, pumunta sa Care Connect Washington o tumawag o magtext sa hotline ng programa, 1-833-453-0336.
  • Sagutin ang tawag o text mula sa contact tracing. Kikilalanin ng telepono mo ang tumatawag bilang "WA Health."

Kung nagpositibo ka at wala kang mga sintomas at hindi nahantad, at nag-aalala na baka ito ay isang maling positibo, pag-isipang ulitin ang pagsusuri para makumpirma.

  • Dalawang magkasunod na negatibong pagsusuri ang kinakailangan upang makumpirma ang isang maling positibo.
  • Ang mga pagsusuri ay dapat gawin nang higit sa 24 na oras at mas mababa sa 48 oras ang pagitan.
  • Maaaring gumamit ng mga mabilis na pagsusuri sa antigen o molecular PCR na pagsusuri. Ang mga mabilis na pagsusuri sa antigen ay maaaring mabili sa parmasya at ang isang molekular na pagsusuri sa PCR ay maaaring isagawa para kumpirmahin sa pamamagitan ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan o sa isang libre o murang lugar ng pagsusuri sa King County.

Para mapawalang-bisa ng negatibong pagpapatunay na pagsusuri ang resulta ng mabilis na pagsusuri, dapat kolektahin ang sampol sa loob ng 48 oras nang unang positibong resulta.

Kung nagpositibo ka sa pagpapatunay na pagsusuri, patuloy na bumukod sa iba sa loob ng 5 araw (simula noong una kang nag positibo o noong nagsimula ang iyong mga sintomas kung nagkakaroon ka ng mga sintomas), anuman ang katayuan ng iyong pagbabakuna.

Kung nag-aalala ka na maaaring mayroon kang COVID-19 dahil nahantad ka o mayroon kang mga sintomas, o maaaring magkaroon ka ng maling negatibong resulta, inirerekomenda namin na ibukod ang iyong sarili at kumuha ng isa pang pagsusuri para sa COVID-19.

Tingnan ang Tanong #5 – Ano ang pagpapatunay na pagsusuri o paulit-ulit na pagsusuri?

Ang paulit-ulit na pagsusuri ay kapag sinusuri ng isang tao ang kanyang sarili nang maraming beses para sa COVID-19 nang regular, gaya ng kada ilang araw.

Kabilang sa mga opsyon para sa paulit-ulit na pagsusuri ang:

Para sa pinakamabuting mga resulta:

Magpatuloy sa pagsusuri (nang hindi hihigit sa isang beses sa loob ng 24 na oras) gamit ang mabilis na pagsusuri sa sarili sa panahon ng iyong pagkwa-kwarentenas. Ito ay tinatawag na paulit-ulit na pagsusuri.

Sa pamamagitan ng mas madalas na pagsusuri, maaari mong mas mabilis na matukoy ang COVID-19 at maaaring mabawasan ang pagkalat ng impeksyon.

Ang ilang mga isinasagawa-sa-sarili na mga pagsusuri ay may kasamang higit sa isang pagsusuri at mga tagubilin para sa pagsasagawa ng paulit-ulit na pagsusuri. Para magamit ang paulit-ulit na pagsusuri bilang patunay sa negatibong resulta, dapat ay mayroon kang dalawang magkasunod na negatibong resulta.

Kung positibo ang inulit na pagsusuri, bumukod sa iba sa loob ng 5 araw mula nang ikaw ay nagpositibo, O, kung magkakaroon ka nang mga sintomas, ilagay ang pagbubukod sa araw kung kailan nagsimula ang iyong mga sintomas, anuman ang katayuan ng iyong pagbabakuna.

LasdifereAng iba’t ibang tatak ng mga test ay may iba’t iba ring petsa ng pagkawalang-bisa o expiration date. Huwag gumamit ng nag-expire na test maliban nalang kungntes pinahaba ng Federal Drug Administration (FDA) ang petsa na nakamarka sa kahon.

Pinahaba ng FDA ang mga petsa ng pagkawalang-bisa ng ilang mga tatak kabilang ang iHealth at FlowFlex::

  • Para sa iHealth, magdagdag ng 6 NA BUWAN sa “use by” date
  • 08 (Agosto) pagbabago sa 02 (Pebrero)

  • Para sa FlowFlex, magdagdag ng 4 NA BUWAN sa “use by” date
  • 08 (Agosto) pagbabago sa 12 (Disyembre)

Para hanapin ang ibang mga tatak ng test, magtungo sa: bit.ly/FDAselftest.

Oo. Ang ilang isport ay itinuturing na mataas ang panganib para sa pagkalat ng COVID-19, tulad ng water polo, panloob na pagbubuno, basketbol at cheer.

Babayaran ng mga tagaseguro ang mga pamilya para sa hanggang walong pagsusuri bawat buwan. Mga karagdagang kaalaman tungkol sa pagbabayad ng seguro sa mga nagasta (Ingles lamang).

Mga tanong na may kinalaman sa pagbiyahe

Hindi na kailangan ang pagsusuri para sa mga bibiyahe, ngunit mahalagang suriin ang Mga Antas ng COVID-19 sa Komunidad para sa iyong destinasyon bago ka bumiyahe at sundin ang mga lokal na alituntunin.

Patnubay para sa lahat ng bibiyahe

Huwag bumiyahe kung ikaw ay:

  • May sintomas o nasuring positibo para sa COVID-19
  • Naghihintay ng mga resulta ng pagsusuri para sa COVID-19
  • Nakasalamuha sa isang taong may COVID-19 at pinayuhang magkwarentenas.

Kung nakasalamuha ka sa isang taong may COVID-19 ngunit HINDI inirerekomenda na magkwarantenas:

  • Magpasuri nang hindi bababa sa 5 araw pagkatapos ng iyong huling malapit na pakikipag-ugnayan sa may COVID-19. Tiyaking negatibo ang resulta ng iyong pagsusuri at mananatili kang walang sintomas bago bumiyahe.
  • Kung nakumpirma mo ang COVID-19 sa loob ng nakalipas na 90 araw, HINDI mo kailangang magpasuri, ngunit dapat mo pa ring sundin ang lahat ng iba pang rekomendasyon (kabilang ang pagpapasuri kung nagkaroon ka nang mga sintomas ng COVID-19).

Internasyonal na Pagbiyahe

Hindi na kinakailangan ng mga bibiyahe na magpakita ng negatibong resulta ng pagsusuri sa COVID-19 o dokumentasyon ng paggaling mula sa COVID-19 bago sumakay sa isang flight patungo sa U.S. Ang CDC ay patuloy na nagrerekomenda na ang mga bibiyahe na sumasakay sa isang flight papuntang U.S. ay magpasuri para sa kasalukuyang impeksiyon sa pamamagitan ng isang viral na pagsusuri na mas malapit sa oras ng pag-alis hangga't maaari (hindi hihigit sa 3 araw) at huwag bumiyahe kung sila ay may sakit.

Tingnan ang kumpletong gabay para sa internasyonal na pagbibiyahe sa website ng CDC.

Ang mga taong ganap na nabakunahan ng isang bakunang awtorisado ng FDA ay maaaring bumiyahe nang ligtas sa loob ng Estados Unidos. Bagama't sinasabi ng CDC na ligtas na gawin ito, hindi pa rin nila hinihikayat ang di-esensyal na pagbiyahe dahil maaari itong mag-ambag sa pagkalat ng COVID-19, na katamtaman hanggang sa mataas pa rin sa karamihan ng bansa.

Ang pagsusuri ay hindi na kailangan para sa mga bibiyahe, ngunit mahalagang suriin ang Mga Antas ng COVID-19 sa Komunidad para sa iyong patutunguhan bago ka pumunta at sundin ang mga lokal na alituntunin.

Kung babaguhin ng iyong destinasyon ang kanilang mga alituntunin upang mangailangan ng negatibong pagsusuri, ang mga sumusunod na lugar ay dalubhasa sa pagbibigay ng mabilis na pagsusuri sa COVID-19. Ang mga lugar na ito ay hindi kaanib ng Pampublikong Kalusugan– Seattle at King County. Mangyaring bisitahin ang kanilang website para sa lokasyon, oras, at impormasyon sa gastos.

Domestikong pagbibiyahe

Inirerekomenda para sa lahat ng bibiyahe:

  • Magpasuri kung ang iyong pagbibiyahe ay may kinalaman sa mga sitwasyong may mas malaking panganib ng pagkakahantad tulad ng mataong lugar habang hindi nakasuot ng angkop na maskara o respirator.
  • Sundin ang karagdagang gabay kung alam mong nahantad ka sa isang taong may COVID-19.
  • Mag-monitor nang sarili para sa mga sintomas ng COVID-19; bumukod at magpasuri kung makaroon nang mga sintomas.
  • Kung positibo ang iyong pagsusuri o nagkakaroon ka ng mga sintomas ng COVID-19, ibukod ang iyong sarili upang maprotektahan ang iba mula sa pagkahawa.

Kung lubusan ka nang gumaling mula sa COVID-19 sa nakalipas na 3 buwan, HINDI mo na kailangang magpasuri, ngunit dapat pa ring sundin ang lahat ng iba pang rekomendasyon sa pagbiyahe.

Para sa buong gabay sa domestikong pagbiyahe, tingnan ang website ng CDC.

Internasyonal na Pagbiyahe

Hindi na kinakailangan ng mga bibiyahe na magpakita ng negatibong resulta ng pagsusuri sa COVID-19 o dokumentasyon ng paggaling mula sa COVID-19 bago sumakay sa isang flight patungo sa U.S. Ang CDC ay patuloy na nagrerekomenda na ang mga bibiyahe na sumasakay sa isang flight papuntang U.S. ay magpasuri para sa kasalukuyang impeksiyon sa pamamagitan ng isang viral na pagsusuri na mas malapit sa oras ng pag-alis hangga't maaari (hindi hihigit sa 3 araw) at huwag bumiyahe kung sila ay may sakit.

Tingnan ang kumpletong gabay para sa internasyonal na pagbibiyahe sa website ng CDC.

expand_less