
Mga rekomendasyon ng pampublikong kalusugan para pahintuin ang COVID-19
Public Health Recommendations to Stop COVID-19 in Tagalog/Filipino
Disyembre 14, 2022: Mayroon nang mga pinabagong bakunang booster. Lalabanan ng mga pinabagong booster shots ang kumakalat na Omicron variants pati na ang orihinal na strain ng COVID na bayrus.
Dapat kang kumuha ng pinabagong booster kung:
- Ikaw ay 6 buwang gulang pataas,
- Nakumpleto mo na ang unang serye ng bakuna (ang unang dalawang dosis ng Moderna/Pfizer/Novavax o isang dosis ng Johnson & Johnson), at
- Dalawang buwan o mahigit na ang nakalipas mula nang matanggap mo ang huling dosis (ang huling dosis na tinanggap mo ay maaaring isang pangunahing dosis o isang dosis ng booster) .
Lahat ng pwede nang tumanggap ay dapat kumuha ng pinabagong booster lalo na ang mga nasa edad 50 pataas, may mahinang resistensya, o may kondisyong pangkalusugan tulad ng diabetes o sakit sa puso.
Tandaan: Ang mga batang edad 6 buwan hanggang 4 taon na kukuha ng pangunahing serye ng Pfizer ay makakakuha ng 3 dosis sa kabuuan. Kung hindi pa nila natapos ang serye, tatanggap sila ng bivalent na bakuna ng Pfizer bilang kanilang ikatlong pangunahing dosis. Kung natapos na ng iyong anak ang pangunahing serye ng Pfizer na may 3 dosis, hindi na siya kukuha ng bivalent booster na dosis.
Flyer (PDF): Mga Na-update na COVID-19 Booster
Gawin ang mga aksyong ito upang makatulong na supilin ang pagkalat ng coronavirus at panatilihing ligtas ang bawat isa.
Ang pinakamahusay na proteksyon ay ang mabakunahan. Ang mga taong ganap na nabakunahan ay maaari na ngayong gumawa ng mas maraming bagay nang ligtas (website sa Ingles) at nakakatulong silang mabawasan ang COVID-19 sa komunidad.
Ang pagsusuot ng maskara sa mga lugar na may mataas na peligro (gaya ng mga mataong lugar) ay nakakatulong na protektahan ang lahat. Lalong mahalaga na protektahan ang mga taong hindi makakakuha ng buong proteksyon mula sa bakuna, tulad ng mga bata at mga taong may kondisyong medikal na hindi gaanong kayang labanan ang bayrus.
Magpasuri kung mayroon kang mga sintomas ng COVID-19 o nakisalamuha sa isang taong nagpositibo sa pagsusuri.
Kung nagpositibo ka sa COVID-19 o nasa mas mataas na panganib na magkasakit, ang pagkuha ng maagang paggamot sa COVID-19 (impormasyon sa Ingles lamang) ay makakatulong upang maprotektahan mula sa matinding karamdaman at pagpapaospital. Tanungin ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan upang makita kung ang paggamot ay inirerekomenda para sa iyo.
Panatilihing maliit at sa labas ang mga aktibidad kung sasali ang mga taong hindi nabakunahan. Ang bayrus ay madaling kumalat sa loob ng bahay, kaya ang mga negosyo at organisasyon ay maaaring mabawasan ang bayrus sa hangin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang daloy ng hangin sa panloob at paggamit ng mga air filter (website sa Ingles).
Pangangalaga ng iyong mga sintomas ng COVID-19 sa tahanan
InfographicAng Test to Treat ay isang bagong programang makakatulong sa mga nangangailangan ng pagsusuri at pangmadaliang libreng paggamot kung magpositibo sila sa COVID-19.
Sentro ng Tawagan: Hilingin ang mga Serbisyo ng Tagapagsalin ng wika
May mga katanungan ka ba tungkol sa COVID-19? Ang mga tagapagsalin ng wika ay handang tumugon mula sa Sentrong Tawagan ng King County KoronaBayrus.
Kung kailangan ang tagapagsalin ng wika:
- Tumawag sa 206-477-3977
- Isang mensahe ang una mong maririnig. Hintayin ang opereytor ng sentro ng tawagan.
- Sabihin ang wikang nais mong gamitin sa salitang Ingles para dito. Halimbawa: sabihin ang “Tagalog o Filipino”.
- Ang opereytor ng sentro ng tawagan ay tatawag ng serbisyo ng Tagapagsalin ng wika. Huwag mong ibababa ang iyong linya. Manatili sa telepono hanggang ang tagapagasalin ng wika ay nasa linya na.
- Sabihin ang iyong mga katanungan sa tagapagsalin ng wika.
Patnubay sa COVID-19
- Pagpapabakuna para sa COVID-19 sa King County, Pampublikong Kalusugan - Seattle at King County
- Pagbabakuna sa COVID 19 para sa 5 hanggang 11 taong gulang, Pampublikong Kalusugan - Seattle at King County
- Bakit ako kukuha ng booster?, Pampublikong Kalusugan - Seattle at King County
- Ano ang kailangan kong malaman tungkol sa mga booster na iniksyon, Pampublikong Kalusugan - Seattle at King County
- Paghambingin ang mga uri ng bakuna, Kagawaran ng Kalusugan ng Estado ng Washington
- Sangguniang Gabay para sa Booster na Dosis ng Bakuna sa COVID-19 para sa Lahat ng Edad, Kagawaran ng Kalusugan ng Estado ng Washington
- Maghanap ng mga lokasyong may bakuna sa COVID-19, Kagawaran ng Kalusugan ng Estado ng Washington
- COVID-19, Kagawaran ng Kalusugan ng Estado ng Washington
- Bakuna sa COVID-19, Kagawaran ng Kalusugan ng Estado ng Washington
- COVID-19, Mga Sentro para sa Pagkontrol sa Sakit
Infographic
Mga video
Bakit kailangan nating kumuha ng COVID booster?
Ano ang mga dapat asahan kapag magpapabakuna sa COVID ang iyong batang anak
Bakit kailangan ng mga maliliit na bata ang magpabakuna laban sa COVID?
Paano paghandaan ang pagpapabakuna laban sa COVID ng iyong batang anak
Mga poster
Humandang tumulong sa isa't isa. Ang malakas na pandama ng komunidad ang makakatulong sa atin sa isang mahirap na panahon.
Link/share our site at www.kingcounty.gov/covid/filipino